Pumili ng Gamot Para sa High Blood Pressure sa Pilipinas (2025)

Isa sa pangunahing komplikasyon na kinakaharap ng bansa ay ang patuloy na pagdami ng kaso ng hypertension o high blood pressure. Ang kronikal na kondisyong ito ay nangyayari kapag masyadong mataas ang puwersa ng dugo sa arterya, na nagdudulot ng pagod sa puso at mga ugat ng dugo. Dahil sa komplikasyong ito ay napakahalaga na makahanap ng natatanging mga gamot para sa high blood pressure sa Pilipinas upang hindi humantong sa sakit sa puso, stroke, at sakit sa bato.

Ating suriin sa gabay na ito ang mga karaniwang inirerekomendang gamot para sa high blood pressure sa Pilipinas. Alamin kung bakit ito ang madalas na inireseta ng mga doktor at ang mga posibleng side effect na maaaring idulot nito. Simulan na natin!

Paano Pumili ng Tamang Gamot Pampababa ng High Blood

Pumili ng Gamot Para sa High Blood Pressure sa Pilipinas (1)

Ang pagpili ng pinakamabuting gamot para sa high blood pressure sa Pilipinas ay posible kapag isinalangalang ang bisa nito, posibleng side effect, at anumang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan. Maaaring nakakalito ito, ngunit sa tulong ng doktor sa hypertension ay maiintindihan mo kung aling gamot ang pinakaangkop sa iyong kalagayang pangkalusugan.

Tandaan, ang high blood pressure ay isang kronikal na kondisyon na nangangailangan ng patuloy na pamamahala. Pinakamainam na subaybayan ang iyong kalusugan at dumalo sa kinakailangang konsultasyon upang mapanatili ang normal na presyon ng dugo tulad ng 110/70.

Mga Karaniwang Gamot para sa High Blood Pressure sa Pilipinas

Pumili ng Gamot Para sa High Blood Pressure sa Pilipinas (2)

Sa Pilipinas, may ilang gamot na karaniwang ginagamit upang gamutin ang high blood pressure. Ang bawat gamot na ito ay gumagamit ng iba’t-ibang paraan upang pababain ang blood pressure at gawin normal ito. Posible rin na ibigay ang gamot depende sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng pasyente.

Narito ang mga gamot para sa hypertension sa Pilipinas:

Enalapril – Ace-inhibitors

Ang Enalapril ay isang halimbawa ng ace inhibitor, na gamot para sa high blood pressure sa Pilipinas. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpigil sa enzyme na tinatawag na angiotensin-converting enzyme (ACE), na nakakatulong sa pagpapahinga ng mga ugat ng dugo at pagpapababa ng blood pressure. Dapat tandaan na ang pag-inom ng gamot na ito ay mahalaga at inirerekomenda para sa mga may sakit sa bato at puso. Sa tulong ng gamot na ito ay mababawasan ang strain sa puso at magkakaroon ng normal blood flow. Tandaan na dapat inumin ng 2 beses sa isang araw ang gamot na ito.

Losartan – Angiotensin Receptor Blockers

Samantalang, ang Losartan ay isang angiotensin receptor blocker (ARB) na madalas na inireseta para sa high blood pressure. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagharang sa hormone na tinatawag na angiotensin II, na maaaring magpahigpit sa mga ugat ng dugo at magpataas ng blood pressure. Dahil dito, mas madalas itong ginagamit upang maiwasan ang risk ng heart attack at pag protekta sa arteries. Inirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito sa isang beses sa isang araw.

Metoprolol – Beta-blockers

Bukod sa mga nabanggit ay mayroon din na gamot na Metoprolol na isang halimbawa ng beta-blocker. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagharang sa epekto ng adrenaline, na nagpapababa ng tibok ng puso at lakas ng pagtibok nito. Inirerekomenda ang pag-inom ng gamot na ito ng 1 o 2 beses sa isang araw.

Amlodipine – Calcium Antagonist

Isa pa sa mga gamot na dapat alalahanin ay ang Amlodipine. Ito ay isang calcium antagonist o calcium channel blocker na madalas ginagamit upang mapababa ang blood pressure ng tao. Bukod dito, ito rin ay ginagamit upang mapigilan ang pagpasok ng calcium sa muscle cells ng puso at blood vessels. Sa tulong nito ay nawawala ang paninikip ng blood vessels. Kung kaya’t epektibo itong gamot para sa high blood pressure at artery disease. Inirerekomenda ang pag-inom ng gamot ng 1 sa isang araw.

Hydrochlorothiazide – Diuretic

Ang pinakahuli ay ang gamot na tinatawag na Hydrochlorothiazide. Ito ay isang diuretic na tumutulong sa katawan na alisin ang labis na asin at tubig sa pamamagitan ng pag-ihi. Sa tulong nito ay napapababa ang dami ng likido sa mga ugat ng dugo na tumutulong sa pagbaba ng blood pressure. Kadalasan itong ginagamit bilang first-line treatment para sa hypertension o high blood pressure. Inirerekomenda ang pag-inom ng gamot ng 1 beses sa isang araw.

Pamamahala ng mga Side Effect ng Gamot sa Blood Pressure

Bagamat epektibo ang mga gamot sa blood pressure sa pagkontrol ng high blood pressure, maaari silang magkaroon ng side effect. Ngunit dapat tandaan na ang mga side effects na ito ay nakadepende sa kalagayan ng pasyente lalo na kung mayroon silang allergy sa gamot o ibang malubhang sakit.

Narito ang mga posibleng side effects:

  • Ubo
  • Pagkahilo
  • Sakit ng ulo
  • Pagduduwal o sakit ng tiyan
  • Pagkapagod

Tandaan, iba-iba ang reaksyon ng bawat tao sa gamot, at hindi lahat ay posibleng makaranas ng side effect. Kung ikaw ay nakakaranas ng kahit isa sa mga nabanggit na side effect, mahalagang kausapin ang iyong healthcare provider tungkol dito.

Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor Tungkol sa Side Effect ng Gamot

Bagamat karamihan sa mga side effect ng gamot sa blood pressure ay hindi gaano kalala at kusang nawawala, may ilang sitwasyon na dapat bantayan. Kung ang mga side effect na iyong nararanasan ay nakakaapekto sa iyong kalusugan, nangangahulugan itong kailangan ng agarang interbensyon mula sa isang eksperto.

Agarang pagkonsulta sa doktor ang kinakailangan upang maagapan ang ganitong mga problema.

Konklusyon

Ang pagsusuri ng gamot para sa high blood pressure sa Pilipinas ay mahalaga upang matukoy ang angkop na gamot para sa iyong sitwasyon. Bagamat epektibo ang bawat isa sa mga gamot sa pagpapababa ng blood pressure, may iba pang aspeto na dapat subaybayan ng mga pasyente at eksperto sa kalusugan.

Kung ikaw ay may high blood pressure o interesado lang malaman ang mga gamot para sa hypertension sa Pilipinas, kailangan pa rin ng ibayong gabay ng expert. Sa tulong nila ay malalaman mo ang pinakatamang klase ng gamot para sa iyong kalusugan.

Magsimula sa iyong paglalakbay tungo sa paggaling sa pamamagitan ng pag-book ng online na konsultasyon sa isang cardiologist.

Pumili ng Gamot Para sa High Blood Pressure sa Pilipinas (2025)

References

Top Articles
Latest Posts
Recommended Articles
Article information

Author: Mr. See Jast

Last Updated:

Views: 5854

Rating: 4.4 / 5 (75 voted)

Reviews: 82% of readers found this page helpful

Author information

Name: Mr. See Jast

Birthday: 1999-07-30

Address: 8409 Megan Mountain, New Mathew, MT 44997-8193

Phone: +5023589614038

Job: Chief Executive

Hobby: Leather crafting, Flag Football, Candle making, Flying, Poi, Gunsmithing, Swimming

Introduction: My name is Mr. See Jast, I am a open, jolly, gorgeous, courageous, inexpensive, friendly, homely person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.